Regional Festival of Talents(RFOT)
SPNHS bumalik,medalya sinungkit.
Dahil sa puspusang pag-eensayo at galing ng mga mag-aaral, nakamit ng Sapang Palay National High School (SPNHS) ang ikalimang puwesto sa ginanap na Tagisan ng Talento nitong Disyembre 12, 2017 sa San Fernando, Pampanga.
Nanalo sina Joy Marie S. Dela Cruz, Paula Nicole Biag, Lla Cyvill Bartolome at Allan Vega sa tulong ng coach na si Gng. Annaliza Reyes at mga tagapagsanay na sina Judy E. Diaz at Moises S. Teves ,guro sa Filipino.
Nilahukan ng dalawampung pampublikong paaralan ang nasabing paligsahan.

Ikatlong puwesto nasungkit ng Ang Suhay.
Hindi man nakuha ang kampeonato, muli pa ring pinatunayan ng Sapang Palay National High School (SPNHS) ang angking husay sa larangan ng pamamahayag matapos makuha ng Ang Suhay—opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan ang ikatlong puwesto sa “Over-all Best School Paper in Region III” sa Regional School Press Conference.
Nagwagi rin ang pahayagan sa pahinang balita (rank 1), pag-aanyo ng disenyo ng balita (rank 2) at pahinang editorial (rank 5).
|
|
Handog ng SPNHS,Dumagat nagpasalamat.
Sa unang pagkakataon ay nagsagawa ng isang “Outreach Program” ang Sapang Palay National High School (SPNHS) para sa ating mga kababayang Dumagat sa Angat, Bulacan noong Disyembre 16, 2017. Sa pangunguna ni Gng. Eloisa S. Orpilla- pang-ulong guro sa Filipino ay marami ang nakiisa upang maisakatuparan ang pagbibigay ng munting aginaldo sa mga katutubo na nilahukan ng mga guro, mag-aaral at maging ng kanilang mga magulang. Bilang pasasalamat ay naghandog ng isang pagsasadula ang mga batang Dumagat tungkol sa kanilang kultura at tradisyon na kinagiliwan naman ng mga manonood. |
Kagawaran ng Filipino,dinalaw ng mga retirado.
“Malayo man, malapit din” yan ang pinatunayan ng mga guro sa Filipino matapos magdaos ng isang kumustahan noong Disyembre 15, 2017.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga retiradong guro sa Filipino na kinabibilangan nina Gng. Norma Francisco, Gng. Belinda Seminiano, na nagbalik tanaw sa mga panahong sila’y nasa serbisyo pa.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga retiradong guro sa Filipino na kinabibilangan nina Gng. Norma Francisco, Gng. Belinda Seminiano, na nagbalik tanaw sa mga panahong sila’y nasa serbisyo pa.